ss_blog_claim=faeec05b4de31199c48e093b03583154

Tuesday, September 30, 2008

maraming salamat sa Kanya.

alam Niya kung kung ano ang tunay kong kailangan. nung nakaraang buwan ay dumating sa buhay ko ang masasabi kong isa sa mga pinakamabigat na problemang aking naranasan. sa sobrang tindi nito ay di ko magawang matulog o kumain at inabot ako ng trangkaso. nawalan ako ng ganang magtrabaho at halos gusto ko nang bitawan ang lahat ng pinaghirapan ko. wala lang. makalipas ang ilang araw ay naayos din naman ang problemang iyon. pero hanggang nung mga nagdaang linggo ay obvious pa rin ang epekto ng mga pag-eemote ko. isang kliyente ang hindi ko magawang padalhan ng billing sapagkat talaga namang hindi ko nakarir ang trabahong iniatas sa akin. pagdating ng mga bills, kinakapos ako sa pambayad. aaminin ko, natukso akong ipadala ang billing na iyon at palalabasin ko na lang sana na di pa tapos ang proyekto sa takdang oras dahil may mga aberya. pero di ko talaga maatim na manloko ng kapwa. makalipas pa ang ilang mga linggo, dumagsa ang mga oportunidad at halos doble ng halaga ng billing na hindi ko ipinadala. kaya't ako'y tunay na nagpapasalamat dahil sa Kanyang gabay ay ginawa ko ang tama. at ngayon sa Kanyang basbas ay bumabalik ang grasya.